1. Ayon kay Simoun “hindi niya nadadalaw ang lalawigan nina Basilio sapagka't ang lalawigan nina Basilio ay mahirap at di makabibili alahas.” Ano ng ang nais ipahiwatig ng nagsasalita? A. Hindi siya pumupunta sa mga lugar na walang pambili ng alahas. B.Minamaliit niya ang lugar itnina Basilio. C.Nais niyang galitin ang binata. D. A at B 2. Ayon kay Padre Florentino “Ang poot ay walang nalilikha kundi mga panakot; ang krimen ay mga salarin ang nalilikha.” Ano ang nais ipahiwatig ng nagsasalita? A. Ang poot ang siyang magiging susi sa paghihiganting ninanais. B. Walang magandang maidudulot ang poot kundi kasamaan at kapahamakan. C.Hindi mo makakamit ang isang bagay kung hindi ka gagawa ng isang krimen. D. Lahat ng nabanggit 3. Ayon kay Padre Florentino "Pag-ibig lamang ang nakagagawa ng mga bagay na dakila. Ang katubusan ay kabutihan; ang kabutihan ay pagpapakasakit, angpagpapakasakit ay pag-ibig." Ano ang nais ipahiwatig ng nagsasalita? A. Tanging mga bagay lamang na kakikitaan ng kabutihan at pag-ibig ang siyangmananaig at magtatagumpay. B. Pag-ibig lamang sa sarili ang pinakamahalagang bagay sa mundo. C. Maaaring makamit ang isang bagay sa tulong ng pag-ibig at kasamaan. D. Wala sa nabanggit 4. Ayon kay Padre Florentino "Ang kalayaan ay di natin dapat tuklasin sa tulong ng patalim. Tuklasin natin ito sa tulong ng nagpapataas ng uri ng katwiran at karangalan ng tao. Gumawa tayo ng mabuti, tapat at marangal hanggang mamatay tayo dahil sa kalayaan." Ano ang nais ipahiwatig ng nagsasalita? A. Ang Kalayaan na ninanais ng mga Pilipino ay imposibleng maisakatuparan. B.Makakamit mo ang Kalayaan kung ikaw ay may paninindigan at magandang hangarin. C.Ang Kalayaan ay hindi natin makakamit gamit ang dahas. Bagkus, tayo ay gumawa ng mabuti,tapat at marangal habang tayo ay nabubuhay dahil iyon angtunay na Kalayaan.