Sagot :
Answer:
Ang Mona Lisa (na kilalá rin bílang La Gioconda) ay isang ikalabing-anim na dantaong pintang-larawan sa langis sa isang panel o entrepanyong gawa sa kahoy na poplar ni Leonardo Da Vinci noong panahong Italyanong Renasimyento. Pag-aari ang dibuhong ito ng Pamahalaang Pranses at nakatanghal sa Museyo ng Louvre sa Pransiya na pinamagatang Larawan ni Lisa del Giocondo, kabiyak ni Francesco del Giocondo.