Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat kung ito ay Hamon Oportunidad sa pangkabuhayan ng agrikultura at pangingisda. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Nagbigay ang gobyerno ng libreng bangka at lambat 2. Panahon ng Tagtuyot 3. Malakas na bagyo 4. Libreng seminar tungkol sa pagpaparami ng hybrid na gulay at prutas. 5. Kawalan ng pondo na pambili ng fertilizer sa mga palay. 6. Paglulunsad ng mga bagong teknolohiya ng Department of Agriculture (DA). 7. Paggamit ng dinamita at maliliit na lambat na panghuli ng isda. 8. Pagdalo sa iba't ibang gawain tungkol sa pagbreed ng tilapia at bangus. 9. Pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga magsasaka. 10. Ang mga imbestor na dayuhan ay nagbigay ng puhunan sa mga kagamitang pandagat.
