Sagot :
Kasagutan:
Ano ang saloobin mo tungkol sa pagkakaroon ng ekspedisyon ni Magellan?
- Masasabi kong masigasig talaga siya dahil hindi siya sumuko kahit na marami na ang ekspedisyong hindi naging matagumpay. Dahil nga sa paglalakbay na pinamunuan niya ay sila ang unang nakapagcircumnavigate sa mundo.
Iba pang impormasyon:
Ferdinand Magellan
Sa paghahanap ng magandang kapalaran, ang manlalakbay na Portuges na si Ferdinand Magellan nabuhay noong c. 1480 hanggang 1521 ay umalis ng Espanya noong 1519 kasama ang limang barko upang matuklasan ang isang rutang pangkanluranin patungo sa Spice Islands.
Sa ruta niya ay natuklasan niya kung ano ang binansagan ngayon bilang Strait of Magellan. Siya rin ang naging unang European na tumawid sa Karagatang Pasipiko. Ang paglalakbay ay napakatagal at mapanganib, at isang barko lamang ang nakauwi pagkalipas ng tatlong taon. Labing walo lamang sa orihinal na tripulante niyang 270 ang nakabalik lulan ng barko. Si Magellan din ay napatay sa labanan sa paglalakbay, siya ay nakitil ng hukbo ni Lapu lapu sa Cebu. Sinubukan niya ring gawing mga Kristiyano ang ibang mga Pilipino sa pagdating sa Pilipinas.