Gawain sa Pagkatuto 2: Panuto: TAMA o MALI: Tukuyin at isulat ang TAMA
kung wasto ang isinasaad na pahayag at MALI kung di-wasto.
______1. Naimbento ang agham sa panahon lamang ng Rebolusyong Siyentipiko.
______2. Ang Enlightenment ay ay isang kilusang intelektuwal.
______3. Tunay na walang kaugnayan ang impluwensya ng siyentipikong pag-iisip sa
teoryang pampulitika.
______4. Tinawag na Rebolusyong Industriyal dahil pinalitan nito ang gawaing
manwal sa mga kabukiran ng mga bagong imbentong makinarya.
______5. Ang tunog ng ingay ng mga tumatakbong makinarya sa isang pabrika ay
hindi bahagi ng tinatawag na Rebolusyong Industriyal.
______6. Sa Great Britain nagsimula ang Rebolusyong Industriyal.
______7. Hindi nagbago sa pamumuhay ng tao ang industriyalismo.
______8. Nagbunga ang Rebolusyong Industriyal ng pagtatatag ng mga unyon ng
mga manggagawa hanggang noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo.
______9. Sa pag-unlad ng industriyalisasyon, higit pang nagsikap ang mga Silanganin
sa pananakop ng mga kolonya.
______10. Ang Rebolusyong Industriyal ay nakatulong din sa pagbibigay ng
maraming oportunidad sa paghahanapbuhay sa mga tao.