Panuto: Isulat ang salitang Tama kung may katotohanan at wasto ang isinasaad ng pangungusap sa bawat bilang at isulat ang Mali naman kung hindi wasto ang isinasaad ng bawat pangungusap. ______1. Walang magandang naidulot ang kalakalang galyon sa Pilipinas. ______2. Lalong umunlad ang mga sakahan sa Pilipinas dahil sa galyon ______3. Ang Kalakalang Galyon ay sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos. ______4. Dahil sa Galyon ay hindi na nakipagkalakalan sa Tsina at mga karatig na bansa ang Pilipinas. ______5. Higit na napagtuunan ng pansin ng mga namumunong alcalde at gobernadorcillo ang kanilang mga nasasakupan dahil sa kalakalang Galyon. ______6. Sapilitang pinababa sa kapatagan ang mga Pilipinong nakatira sa bundok. ______7. Ang mga bahay na itinayo sa panahon ng Espanyol ay angkop sa klima ng bansa. ______8. Naging mabisa ang ginawang pagsasaayos ng mga pari sa panahanan na naging dahilan ng pagkakalapit ng mga tirahan ng mga Pilipino. ______9. Ang Arkitekturang Antillean ay mga gusaling may malalapad na bubong at palapag. ______10. Malaking tulong sa mga pari ang lapit-lapit na tirahan ng mga Pilipino.