Sagot :
Answer:
Ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon ay napakahalaga hindi lamang sa mga indibidwal kundi pati narin sa buong mundo. Sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon, mas maiintindihan natin ang isa't isa. At kung may pagkakaintindihan ang bawat mamamayan ay magkakaroon ng kapayapaan. Uunlad rin ang isang lugar kapag mayroon itong bukas na komunikasyon dahil kung nagkakaintindihan ang mga mamamayan, mayroon ding pagtutulungan at bayanihan. Hindi uunlad ang isang lugar o bansa kung walang pagtutulungan, at ang pagtutulungan ay ating makakamit kung mayroon tayong bukas na komunikasyon sa isa't isa.