Bago ka magpatuloy, tingnan natin kung may naalala ka sa ating nakaraang aralin. Para malaman natin iyan, gawin mo ang nasa ibaba. Panuto: Sino ang tinutukoy ng pahayag? Isulat ang sagot sa sagutang papel. Ang unang titik ng wastong sagot ay naibigay na. А 1. Sinong A ang tinaguriang “Ama ng Katipunan?" M 2. Sinong M ang pinakamatandang kasapi ng Katipunan? G 3 . Sinong G ang nagtatag ng La Solidaridad ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda? 4. Sinong J ang may akda ng nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo? G 5. Sinong G ang asawa ni Andres Bonifacio at tagapag-ingat ng mga kasulatan at dokumento ng katipunan?