👤

repleksiyon about polusyon​

Sagot :

Answer:

masisira ang taga protect ng earth

Explanation:

basta yon na yong nakalimutan kong pangalan

sory

ANSWER:

Polusyon-ano ba ito? Hindi gaanong problema yan. Ito ay maaaring maging reaksiy on

ng mga makabagong bansa ngayon. Marahil ay tama sila. Ano nga ba naman ang

ginagawa ng kanilang maunlad na kaalaman sa teknolohiya at agham? Na patuloy

parin sa pagtuklas ng mga makabagong paraan sa lalong ikauunlad at ikagagaan ng

ating mga Gawain. Subalit sa ating pagunlad na ito, lubha ngang nakakaligtaang

pangalagaan ang ating kapaligiran. Isang halimbawa na rito ang pagkakaimbento ng

sasakyan

Oo nga't nakakapagbigay ito ng kaginhawaan sa pagbib iyahe, subalit sa

pagdami nito, mabilis ding lumalala ang suliranin ng polusyon.

Ang polusyon ay ang pagiging marumi ng kapaligiran o, sa iba pang kahulugan,

kadumihan ng kaisipan. Sa pangkapaligiran, kabilang sa uri ng polusyon ang polusy on

ng hangin at polusyon ng tubig.

Hindi magtatagal ay maaaring hindi na matirhan ang mundo, maaaring malapit ng

magunaw to. Hindi dahil sa mga bagyong dumaraan sa atin o sa mga lindol na ating

nararanasan. Dahil ito sa unti-unting nang namamatay ang pinakamamahal nating

planeta. Kung magkakatotoo man ito hindi na kasalanan ng kalikasan kundi tay ong mga

tao rin. Ang hanging ating lalanghap in ay magiging mapanganib sa ating katawan.

Samantalang ang tubig nating inumin ay mistulang magiging lason. Ito ang malagim na

dulot ng polusy on, ang ating pangunahing kalaban na hindi nakikita.

Sa simula, pawang nagwawalang bahala lamang ang bansang apektado ng polusyon.

Ngunit dahilan sa dumaring na ang mga taong nagkakasakit st namamat ay dahil dito,

nagsisimula ang kilusan laban sa polusyon. Karamihan sa mga industriya at pabrika sa|

mundo ay pawing sumusunod sa pagsugpo ng polusyon. May mga bagong tuklas

ngayong mga pamamaraan upang ang mga dumi at usok na inilalabas ng mga pabrika

ay malinis muna bago tapon Ang mga sasakyan naman ay nilalagyan ng mga

makabagong gadyet upang ang usok na ibinubuga ay hind imaging mapanganib sa

kalusugan.

Subalit kung ating ikukumpara, ilan lamang ang mga pabrika at mga sasakyan sa

milyun-mily ong kauri nito sa buong mundo ang gumagawa ng gantong kaukulang pag

ingat. Kaya sadyang nanganganib parin tayo ngayon sa malubhang epekto ng

polusyon. Subalit hindi pa huli ang lahat upang iligtas natin ito. Kooperasyon lamang ng

bawat isa ang kinakailangan. Magtulong-tulong tayo upang mapanatili ang kalinisan ng

ating kapaligiran. mahalin natin ang mundo sapagkat isa lamang ito. Mayroong apat na

uri ng polusyon, ito ay ang polusyon sa hangin, tubig, lupa, at ingay.