Sagot :
Explanation:
humahalili sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari
Answer:
PANGHALIP
Ang panghalip ay isang bahagi ng pananalita na humahalili sa pangngalan. Ibig sabihin, ito ang pumapalit sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o lugar, pangyayari, at marami pang iba.
Apat na Uri ng Panghalip
Panghalip panao
Pangahalip pananong
Panghalip panaklaw
Panghalip pamatlig
Panghalip panao - Ito ay nga panghalip na inihahalili sa pangngalan ng tao. Ito ay may tatlong panauhan.
1. Unang panauhan- tumutukoy sa nagsasalita
Halimbawa: ako, kita, kami, tayo, ko, natin, namin, akin, atin, amin
2. ikalawang panauhan- tumutuko’y sa taong kinakausap
Halimbawa: ikaw, ka, kayo, mo, ninyo, iyo, inyo
3. Ikatlong panauhan – tumutukoy sa taong pinag-uussapan
Halimbawa: siya, sila, niya, nila, kanya, kanila
Panghalip pananong - Ito ang mga panghalip naginagamit sa pagtatanong tungkol sa bagay, tao, hayop, pook, gawain, kayangian, panahon at iba pa.
Iba’t ibang panghalip pananong
1. Sino at kanino- para sa tao
2. Ano- para sa bagay, hayop, katangian, pangyayari o ideya•
3. Kailan – para sa panahon at petsa
4. Saan- para sa lugar
5. Bakit- para sa dahilan
6. Magkano- para sa halaga ng pera
7. Panghalip panaklaw - Ito ay panghalip na nagsasaad ng kaisahan, dami o kalahatan ng ngalang tinutukoy na maaaring tiyakan o di-tiyakan. Ito ay sumasaklaw sa kaisahan o kalahatan ng pangngalan. Ito ay may tatlong kaurian.
8. Kaisahan - isa, iba, balana
9. Dami o kalahatan - lahat, pawa, madla
Di- katiyakan - gaanuman, alinman, saanman, anuman, kailanman
10.Panghalip pamatlig - Ito ay ginagamit na ginagamit sa pagtuturo ng tao, bagay,hayop,lunan o pangyayari. Sa panghalip na pamatlig nalalaman ang layo o lapit ng bagay na itinuturo.
malapit sa nagsasalita: ito, ire, niri, nito, ganito, ganire
malapit sa kinakausap: iyan niya ayan hayan diyan
malayo sa nag-uusap: ayun, hayun, iyon, yaon, niyon, noon, doon
Explanation:i hope its help