Ang depinisyon o katuturan ay ang pahayag ng kahulugan ng isang salita o parirala. May dalawang pamamaraan sa pagbibigay lahulugan ng salita. Una ay ang denotasyon o ang himatong o kahulugang literal o ang direkta o literal na kahulugang nagmumula sa diksyunaryo. Ang ikalawa naman ay ang konotasyon o ang pahiwatig na kahulugan o isang masinig o malikhaing pagpapakahulugan sa isang salita.
Halimbawa:
denotasyon
· Damo—uri ng halaman na makikita sa kapaligiran.
konotasyon
· Damo— masamang damo—taong walang magagawang mabuti
ulilang damo --- taong walang magulang, nag-iisa sa buhay
(ang damo ay tao)