Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Pagkatapos mong pag-aralan at matutuhan ang tungkol sa awiting- bayan at bulong ng mga taga-Visayas, suriin mo kung sumasang-ayon ka o hindi sa sumusunod na ideya mula sa nasabing mga akda. Lagyan ng sa kolum ng mapipiling sagot at pagkatapos ay ipaliwanag ito. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel. IDEYA SANG-AYON DI SUMASANG- PALIWANAG AYON 1. Ang mga awiting-bayan at bulong ay dapat na laging inaawit at sinasambit. 2. Makatutulong ang bulong kapag ginagamit na pangkontra. 3. Malaking tulong ang mga awiting-bayan upang makilala natin kung paano namuhay at namumuhay ang mga taga-Visayas. 4. Bawat linya o taludtod ng awiting-bayan at bulong ay makahulugan sa paglalarawan ng kultura ng mga taga-Visayas. 5. Salamin din ng kagandahang-asal ang awiting-bayan at bulong.