Sagot :
Answer:
Nahawi ang dilim. At isang ligaya
ang inginingiti ng bagong umaga,
at sa hardin namang kaiga-igaya
ay may nasasamyong bango ng sampaga.
Bango ng sampagang nagpapahiwatig
na may kaligtasang sa ati’y sasapit,
kaligtasan bagang tila kumakatig
sa katiwasayang ngayo’y lumalapit.
Lumalapit na nga ang dating malayo
na mandi’y hinampong hindi mapagkuro,
kaya nga’t ang dating saklap ng siphayo
nagiging isa nang mamad na daluro.
Sa buhay ay sadyang di nananatili
ang lahat ng bagay na nababahagi:
sa ligaya’y lungkot ang humahalili
sa ginhawa naman ay pagkaduhagi.
Gano man katalim ang isang balaraw
ay di tumatalab sa tigas ng bakal
yan ang kahaming ng santaong araw
na sa buhay natin ay tumatangkakal.
Halaman mang lanta kapag pinagpala,
ang sanga at dahon ay nananariwa,
gaya rin ng isang nanlalabong tala,
paglipas ng dilim, ilaw na sa diwa.
Tanang niatang sa ating balikat
ng naging maramot na taong lumipas,
ay iiibis na ng bagong sisikat
na may kaningningang hindi nangungupas.
Hindi nangungupas kung dadakilain
ng may malilinis na puso’t damdamin
pag tayo’y nalisya’t di pagpapalain
ay maghihinampo’t tayo’y paparamin.
Magalak nga tayo’t ating ipagdiwang
ang ngumingiti nang pagbabagong-buhay
Matibay mang dampa’y nagiging magiwang
sa hindi marunong maglagay ng suhay.
Explanation: