Isulat sa patlang ang T kung ang pangungusap ay tama at M naman kung ito ay mali. 1. Itinatag ang Katipunan upang ipagpatuloy ang layunin ng Kilusang Propaganda. 2. Sa pamamaraang hasik, napalaki ang bilang ng kasapi ng Katipunan. 3 Sa pagtutulungan nina Bonifacio, Pio Valenzuela, at Emilio Jacinto, naparami ang kasapi at napalawak ang impluwensiya ng Katipunan. 4. Ipinayo ni Rizal na huwag ituloy ang balak na himagsikan dahil mapapahamak siya. 5. Matagumpay ang pagsalakay ng puwersa ni Bonifacio sa Maynila noong ika-29 ng Agosto 1896. 6. Ang mga pag-aalsa sa mga lalawigan ay matagumpay dahil maliit lamang ang bilang ng mga Espanyol doon.