👤

mag bigay ng sawikain​

Sagot :

Answer:

1. Abot-tanaw

Kahulugan: Naaabot ng tingin

Halimbawa: Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon.

2. Agaw-dilim

Kahulugan: Malapit nang gumabi

Halimbawa: Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang bahay.

3. Alilang-kanin

Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.

Halimbawa: Si Rowena ay alilang kanin ng kanyang Tiya Ising.

4. Amoy pinipig

Kahulugan: Mabango, nagdadalaga

Halimbawa: Amoy pinipig si Julie.

5. Amoy tsiko

Kahulugan: Lango sa alak, lasing

Halimbawa: Amoy tsiko ng umuwi si Alex sa bahay.

6. Anak-dalita

Kahulugan: Mahirap

Halimbawa: Marami akong kaibigan na anak-dalita.

7. Anak-pawis

Kahulugan: Manggagawa, pangkaraniwang tao

Halimbawa: Ako ma’y anak-pawis rin.

8. Asal hayop

Kahulugan: Masama ang ugali

Halimbawa: Hindi lahat ng mayaman ay asal hayop.

9. Balat-kalabaw

Kahulugan: Matapang ang hiya

Halimbawa: Balat-kalabaw na talaga kahit noon pa.

10. Balik-harap

Kahulugan: Mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.

Halimbawa: Bakit kaya may mga taong balik-harap?

Explanation:

Answer:

* butas ang bulsa - walang pera

* ilaw ng tahanan - ina, nanay

* bukas ang palad - matulungin

* ibaon sa hukay - kalimutan

* amoy pinipig - mabango

* kabiyak ng dibdib - asawa

* lantang gulay - sobrang pagod

* nagsusunog ng kilay - masipagmag-aral

* pag-iisang dibdib - kasal

* makapal ang palad - masipag

Explanation:

sawikan examples