👤

D Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at MALI kung hindi wasto ang nakasaad. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ang bansa ay isang lugar o teritoryo na may naninirahang mga tao. 2. Ang bansa ay matatawag na bansa kung ito ay binubuo ng apat na elemento. 3. Ang bansa ay kinakailangan ng isang pamahalaan. 4. Ang teritoryo ay tumutukoy sa lawak na nasasakop sa isang lugar. 5. Ang Pilipinas ay maituturing na isang bansa. 6. Ang bansa ay hindi kinakailangan ng mga mamamayan. 7. Soberanya ang tawag sa kapangyarihan ng namamahala sa kanyang nasasakupan. 8. Ang mga tao o grupo ng mga tao ay may kaniya-kaniyang kultura, wika, at paniniwala. 9. Ang Pilipinas ay may isang pamahalaan na tumutugon sa mga pangangailangan. 10. Hindi mahalaga kung ang teritoryo ng isang bansa ay malaki o maliit.​