Gawain 5 Matapos nating matuklasan ang mga uri ng tayutay atin naman ngayong pagtuunan ng pansin ang mga pangyayari sa akda at alamin ang kahulugan ng mga ito. Bilugan ninyo ang angkop na salita na kinakailangan upang mabuo ang pangyayari sa akda. 1. Ayon sa makata, bago punahin ang tula ay nararapat lamang na ito'y (iwasto. linawin, suriin, baguhin) muna. 2. Mahalagang malaman ang (kahulugan, nilalaman, layunin, hangarin) ng mga salita upang maunawaan ang buong salita. 3. Nagpapasalamat ang makata sa sinumang (tutuya, dudusta, magpahalaga, tatawa) sa kanyang tula. 4. Ang pakiusap ng makata sa babasa ng tula ay (kaltasin, hatulan, huwag baguhin, pakamahalin) ang ilang taludtod nito. 5. Dapat (unawain, basahin, bigkasin, sulatin) ang nilalaman ng tula upang masiyahan ang babasa nito.