👤

Gawain 4 Gamit ang sagutang papel , unawain ang mga sumusunod na tanong at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Araw ng Sabado, namasyal ka sa inyong taniman, napansin mo namatigas ang lupa kahit nadidiligan mo naman ito. Ano sa palagay mo ang dapat mong gawin?

a. Bungkalin ang lupang nakapaligid sa halaman
b. Damihan ang tubig tuwing magdidilig
c. Dagdagan ng lupa
d. Maglagay ng bakod sa paligid ng halaman

2. Ang pagdidilig ay nakakatulong upang lumago at maging malusog ang tanim. Kailan dapat ginagawa ang pagdidilig ng mga pananim?

a. Madaling araw
b. Katanghaliang tapat
c. Kasikatan ng araw
d. Umaga o sa hapon

3. Sa pangangalaga ng tanim mahalaga ang paglalagay ng abono upang magkaroon ng sustansya ang lupa. Kailan dapat maglagay ng abono?

a. Araw- araw
b. Habang maliit pa ang tanim bago ito mamunga
c. Kung tuyot na ang mga tanim
d. Kapag magulang na ang mga bunga

4. Ang pagbubungkal ay mainam gawin dahil marami itong benepisyo sa mga tanim. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kahalagahan ng pagbubungkal?

a. Madaragdagan ang sustansiya ng lupang taniman.
b. Makatitipid sa gastos sa paghahalaman
c. Madaling mararating ng tubig ang mga ugat ng halaman.
d. Maiiwasan ang peste sa halaman.

5. Ang mga sumusunod ay masistemang pangangalaga ng mga halamang gulay.

I. Paglalagay ng abono
II. Pagsusunog ng damo
III. Pagbubungkal ng lupa
IV. Pagdidilig V. Lahat ng nabanggit
a. I at II b. II at III c. I, III at IV d. V​