Kuwento ng Isang Tsampiyon Ang pangalan ko ay Ana Marie Delos Reyes. Nag-aaral ako Paaralang Elementarya ng Pila. sa Kinder ako noong una akong sumali sa paligsahan ng husay sa sining. Sumali ako nang kusa dahil mahilig ako sa sining. sa Nakinig akong mabuti tagapagdaloy ng programa. Malinaw na naipaliwanag ang tema at panuto. Ipakita raw ang pagmamahal sa pamilya gamit ang sining. Agad kong kinuha ang aking mga gamit pangguhit. Buong tiwala akong gumuhit ng puso sa kartolina. Sumunod, maingat kong idinikit sa gitna ng puso ang larawan ng aking pamilya. Pagkatapos, malinaw kong ignuhit ang isang anghel sa itaas ng puso. Sa huli, mabilis kong isinulat ang pamagat na "Mahal Ko ang Aking Pamilya. Nang ipahayag ang nagwagi, ako ang tsampiyon. Malakas na pumalakpak ang mga manonood. Nagmamadaling lumapit sa akin si Nanay upang yakapin ako nang mahigpit.
1. Ano-ano ang mga salitang may salungguhit sa kuwento? 2. Ano ang inilalarawan ng mga salita o pariralang ito? 3. Alam mo ba ang tawag sa mga salita o pariralang ito? Basahin ang mga salita o parirala na hinango sa kuwento. mabuti buong tiwala malinaw maingat malakas mabilis nagmamadaling mahigpit Ang mga salita po yung may salungguhit sa kuwento​