Sa araw-araw na pamumuhay lagi mong naririnig ang mga panuto maging sa bahay,sa paaralan o saan man. Ang mahalaga ay masunod at maisasagawa nang wasto ang mga hakbang o panuto upang maiwasan ang pagkakamali. Sa araling ito,matututuhan mo ang pagsasagawa sa nabasang hakbang ng isang gawain. Tingnan ang larawan sa ibaba. Gawain 1: Basahin at gawin ang mga hakbang o panuto sa ibaba. (Gawin ito sa Worksheet 1 sa pahina 21) 1. Gumawa ng bilog sa gitnang itaas na bahagi ng iyong papel. Isulat mo ang iyong buong pangalan sa loob ng bilog. 2. Gumuhit ng limang parisukat sa ibaba. Pagdugtung-dugtungin mo sila sa pamamagitan ng mga guhit na pahiga. 3. Sa unang parisukat, isulat mo ang pangalan ng iyong paaralan. Sa pangalawa, ang iyong baitang, sa susunod ang iyong kasarian, at sa pang-apat ay ang iyong edad. 4. Sa panghuling parisukat ay isulat mo sa loob ang kalagang Pilipino Ako" at iguhit ang hugis puso sa ibaba nito.