Gawain sa pagkatuto bilang 4: pagkilos tungo sa pagkakapantay-pantay pabuto: sa bahaging ito, ikaw bilang isang mag-aaral ay inaasahang nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan. maari itong gawin sa pamamagitan ng media-advocacy, symposium, documentary presentation at iba pa. malaya kang pumili ng malikhaing hakbang na nais mo batay sa iyong talento, kakayahan at kasalukuyang kalagayan. ito ay tatayain ayon sa nilalaman, pagkamalikhain, impact, organisasyon at kapakinabangan.