Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na katanungan. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Ang Munting Hardin ni: Beverly D. Sastrillo Isang araw nagkukuwentuhan ang magkapatid na Nicole at Brix tungkol sa pagsuporta nila sa programang "Gulayan sa Tahanan”. "Kuya, ano ang maaari nating gawin upang masuportahan natin ang programa ng ating paaralan na Gulayan sa Tahanan?" tanong ni Nicole. "Maaari tayong gumawa ng munting hardin sa ating likod-bahay na pagtataniman natin ng mga buto ng gulay. Natutuhan naman natin sa ating guro kung paano gumawa ng garden plot at kung paano natin itatanim ang mga buto tulad ng sitaw, petsay, kalabasa, at iba pa," sagot ni Brix. "Tama ka, kuya! Simulan na kaagad natin upang mas madaling tumubo ang mga gulay na ating itatanim upang makapagbigay tayo ng ulat sa ating guro," masayang sabi ni Nicole. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga natutuhan sa paaralan tungkol sa tamang pagtatanim ay nakagawa ang dalawa ng munting hardin sa kanilang likod-bahay. Araw-araw nila itong dinidiligan. Hanggang dumating ang araw na tumubo na ang kanilang itinanim na mga buto. May kasiyahan sa pusong pinanood ng dalawa ang kanilang mga tanim. "Nicole, tanggalin natin ang mga damong tumutubo sa paligid ng ating mga tanim upang mas mabilis silang lumaki. Atin din lagyan ng pataba," sabi ni Brix. 00 PIVOT 4A CALABARZON ESP G4
