Sagot :
Answer:
Explanation:
yan na po Sana makatulong salamat

Answer:
Bansang Sinakop: PILIPINAS
Explanation:
Dahilan ng Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas:
- Ang mga Amerikano ay may Layuning Pulitikal, ito ay upang mapalawak ang lupang sakop at magsimulang baguhin ang Pilipinas.
- Upang makapagtatag ng base militar ang mga Amerikano dito sa Pilipinas dahil sa istratenikong lokasyon nito dahil ang Pilipinas ang itinuturing na "Doormat of Asia" at upang pangalagaan at protektahan ang kanilang kalakal sa Asya at Pasipiko.
- Ang Layuning pang-ekonomiya nito upang makapagtatag ng mga pamilihang Amerikano at mapagkunan ng mga hilaw na sangkap at gawing bagsakan ng mga tapos na produkto ang Pilipinas.
- Ang Layuning pangrelihiyon, ito ay upang mapalaganap ang relihiyong Protestantismo sa kalakhang-Asya at pahingahan ng mga misyonero.
- Para maisakatuparan ang layunin nitong makilala bilang isang pwersang pandaigdig, kinakailangan nitong magkaroon ng isang kolonya.
- Ang Estados Unidos noong panahong ito ay nagsisimula na ring magpalawak ng kaniyang kolonya.
- Upang may mapagkukunan ng mga hilaw na materyales at mapagdadalhan ng sobrang produkto at kapital.
Noong ang Pilipinas ay sakop pa ng Espanya, pinaniwala ng mga Amerikano na ang kanilang layunin ay para matulungan ang Pilipinas para maging malaya ito. Nabunyag ang tunay na layunin ng mga Amerikano sa Pilipinas ng lumitaw ang kasunduan sa Paris sa pagitan ng Amerikano at Espanya sa nilagdaan noong Desyembre 10, 1898.