👤

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto at sagutan ang mga sumusunod na tanong.

Lapis at Papel
Ako ay may lapis at papel.
Ang lapis ko ay bago.
Ang lapis ko ay dilaw.
Ako ay may papel.
Ang papel ko ay bago.
Ang papel ko ay puti.

Hawak ko ang lapis.
Hawak ko ang papel.
Kaya kong gumuhit.
Gamit ko ang lapis.
Gamit ko ang lapis sa papel
Ano ang aking iguguhit?
Guguhit ako gamit ang lapis at papel!

1.) Ano ang pamagat ng binasang teksto?
Sagot:

2.) Ano ang kulay ng lapis?
Sagot:

3.) Ano ang kulay ng papel?
Sagot:

4.) Nasaan ang lapis at papel?
Sagot:

5.) Ano raw ang gagawin ng bata?
Sagot:

6.) Ano ang makikita sa papel?
Sagot:

7.) Kaya mo rin bang gawin ang ginawa ng bata?
Sagot:

8.) Ano pa ang kaya mong iguhit?
Sagot:

9.) Kaya mo bang basahin ang tekstong aking binasa?
Sagot: