please help me po
thank you

Ang pananda ay anapora kung sa isang pangungusap o teksto ay nauuna ang pangngalan. Sumusunod naman ang panghalip upang maiwasan ang pag-uulit ng katulad ng pangngalan. Ang pananda ay katapora kung sa isang pangungusap o teksto ay nauuna ang panghalip. Sumusunod naman ang pangngalag hinahalinhan. Sa pagsasama ng dalawa, naiiwasan ang paulit-ulit na paggamit sa katulad ng pangngalan.
Anaporik:
Anaporik ito dahil: (1) Ma'am emy (pangngalan) -> siya (panghalip), (2) Ma'am Lea (pangngalan) -> siya (panghalip). (3) Ma'am Emy at ma'am Lea (pangngalan -> sila (panghalip).
Kataporik:
Kataporik ito dahil: (1) Siya (panghalip) -> Ma'am Emy (pangngalan), (2) Siya (panghalip) -> Ma'am Lea (pangngalan), (3) Sila (panghalip) -> Ma'am Lea at ma'am Emy (panghalip).
Mahalaga ang paggamit ng Anapora at Katapora para hindi mahaba ang isang teksto o pahayag. Maiiwasan ang paulit-ulit na pagbabanggit ng mga pangngalan kung gagamitin ang anaporik at kataporik.