👤

1. Ano ang kahulugan ng Tugmang de gulong?

2.Ano ang kahulugan ng Tulang panudyo?


Sagot :

Answer:

1. TUGMANG DE GULONG – Ito ay ang mga paalala na puwedeng makikita sa mga pampublikong sasakyan tulang lamang ng dyip, bus, at trisikel. Ang mga ito ay karaniwang gumagamit ng kumedya upang ipahiwatig ang kanilang mga mensahe. Kadalasan ay gumagamit ito ng tugmang nakabatay sa kasabihan o salawikain na kilalang-kilala ng mga Pilipino.

2. Ang tulang panudyo ay isang uri ng karunungang bayan na ang kayarian ay mga sukat (measure) at tugma (rima). Layunin nitong uyamin o manudyo. Ito rin ay nagpapahayag na ang mga ninuno natin ay may makulay na buhay nang bata pa sila.

Explanation: