Panuto: Basahing mabuti at tukuyin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang M kung ito ay mahalaga o nagpapakita ng kahalagahan basi sa Herarkiya ng Pagpapahalaga at DM naman kung ito ay hindi nagpapakita ng kahalagahan.
1. Panunuod ng sine tuwing linggo. 2. Pagbili ng mamahaling cellphone. 3. Kailangan ng tao na magpahinga upang manatiling malusog at hindi magkasakit. 4. Kailangan ng tao ng makausap upang maiwasan ang kalungkutan. 5. Pagpapanatili ng katahimikan upang hindi madisturbo ang mga mag-aaral. 6. Pagsunod sa mga utos ng Diyos, pagsasabuhay sa mga birtud ng mga Kristyano. 7. Pagsakay sa magagarang sasakyan. 8. Kailangang bumili ng mamahaling damit at alahas. 9. Pagsunod sa utos ng magulang. 10.Pagsunod sa batas ng pamahalaan. 11. Pagbibigay respeto at galang sa mga nakakatanda. 12. Pag-aaruga sa mga nakababatang kapatid. 13. Mag-aral ng mabuti upang makakuha ng mataas na marka. 14. Bumili ng milktea araw-araw. 15. Pagkopya sa sagot ng kaklase. 16. Paggamit ng po at opo sa mga nakakatanda. 17. Pagbasa sa banal na Bibliya araw-araw. 18. Pagsimba tuwing linggo. 19. Paghubog sa sariling kakayahan at talino. 20. Inuuna ang pamilya bago ang ibang hindi mahahalagang bagay.