👤

Paano mo maiuugnay sa iyong sarili ang halaga ng edukasyon​

Sagot :

Filipino


Paano mo maiuugnay sa iyong sarili ang halaga ng edukasyon​?

  • Maiuugnay ko ang aking sarili ang halaga ng edukasyon sapamamagitan ng pagsusumikap mag-aral kahit may kahirapan sa buhay, pag-iwas ng paglalaro online games, pagiging isang bibong mag-aaral, at ipapakita ko ang pagiging mabuti kong mag-aaral.

Kahalagahan ng edukasyon


  • Mahalaga ang edukasyon sapagkat ito ay ang iyong susi sa magandang kinabukasan. Mahalaga rin ito dahil kung hindi ka nakapag-aral ay maaring wala kang mapapasukan na magandang trabaho sa hinaharap.

  • Ito rin ay ang susi upang maka-angat sa buhay. Matutulungan mo ang iyong mga magulang kung ikaw ay may maayos na trabaho at may sapat na kaalaman upang mag-negosyo.

  • Marami ang naghihirap ngayon lalo na sa Pilipinas dahil sa kakulangan ng edukasyon at kaalaman sa pagtratrabaho o pagnenegosyo. Kaya't kung lahat ay may maayos na edukasyon sila ay di na maghihirap at gaganda ang pamumuhay sa araw-araw.

Alam mo ba kung bakit mahirap ang pamumuhay ng mga Pilipino noon?

  • Ito ay dahil sa kakulangan nila ng edukasyon at kaalaman upang maka-asenso sa buhay. Kahit ikaw ay mahirap basta't may maayos na edukasyon ay makaka-asenso ka sa buhay. Ang edukasyon ay kayang gawin ang imposible sa posible.



Tignan ang mga sumusunod na link para sa karagdagang kaalaman:

  • Ano ang kahalagahan ng edukasyon
    https://brainly.ph/question/287805

  • Edukasyon sa pilipinas
    https://brainly.ph/question/107339



#Let'sStudy ૮₍´˶• . • ⑅ ₎ა