👤

1. Anong anyo ng panitikan ang kinasasangkutan isa o ilang tauhan at kadalasang umiikot
sa isang suliranin at nag-iiwan ng kakintalan sa mambabasa?
A. epiko
C. nobela
B. tula
D. maikling kuwento

2. Ano ang tawag sa elementong nagbibigay-buhay at gumaganap sa kuwento?
A. banghay
C. tauhan
B. paksang-diwa
D. tagpuan

3. Anong uri ng tauhan ang nagbabago ang kanyang katauhan sa kabuuan ng
akda?
A. tauhang bilog
C. tauhang tatsulok
B. tauhang lapad
D. tauhang bida

4. Ito ang tauhang hindi nagbabago ang pagkatao mula simula hanggang sa
katapusan ng akda.
A. bidang tauhan
c. tauhang bilog
B. kontrabidang tauhan D. tauhang lapad

5. Ang kuwentong “Sandaang Damit” ay napabilang sa anong uri ng maikling
kuwento?
A. kuwento ng pag-ibig
C. kuwento ng katatawanan
B. kuwento ng tauhan
D. kuwento ng pakikipagsapalaran

6. Sino ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog?
A. Bob Ong
C. Deogracias A. Rosario
B. Edgar Allan Poe
D. Severino Reyes

7. Anong bahagi ang tumukoy sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa kuwento?
A. banghay
C. paksang-diwa
B. suliranin
D. tunggalian

8. Aling bahagi ng banghay ng maikling kuwento ang pinakamasidhing bahagi kung
saan kakaharapin ng pangunahing tauhan ang tunggalian o suliranin?
A. kasukdulan
C. resolusyon/wakas
B. pababang pangyayari D. panimulang pangyayari

9. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa kalagayan ng batang babae sa
kuwentong “Sandaang Damit"?
A. Siya ay mahirap.
C. Siya ay matiisin.
B. Siya ay mayaman,
D. Siya ay matulungin.

10. Bakit naging malungkutin at walang-kibo ang batang babae sa tuwing klase nila?
A. dahil palagi siyang walang baon C. dahil palagi siyang tinutukso ng mga kaklase
B. dahil palagi siyang pinapahiya ng guro D. dahil palagi siyang nakaupo sa sulok

11. Bakit kaya hindi nakapasok ang batang babae sa eskuwela noong isang araw?
A. dahil may sakit ito
c. dahil nautusan ito ng magulang
B. dahil nahihiya itong pumasok D. dahil pinatigil siya sa pag-aaral

12. Saan kadalasang nangyayari ang pambubuska ng mga kaklase sa batang babae?
A. sa silid-aralan
C. sa may kantina
B. sa silid-aklatan
D. sa labas ng kanilang bahay

13. Ano ang tawag sa hindi katanggap-tanggap na ugali o asal mula sa kamag-aral,
kasamahan sa paaralan o komunidad ?
A. bullying
C. ningas cogon
B. pagmamalaki
D. isip-talangka

14. Lagi siyang nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang nang halos
pabulong kapag tinatawag ng guro, halos paanas pa kung magsalita. Ano
ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan?