Sagot :
Answer:
Manila, Philippines – May nakita nang solusyon ang Malakanyang sa hindi mapigilang pagtaas ng produktong petrolyo.
Ang joint oil exploration kasama ang bansang China sa West Philippine Sea ang nakitang solusyon ng Malakanyang.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malaki ang nakikitang taglay na langis sa “service contract 72” sa West Philippine Sea at makapagbibigay ito sapat na langis ang bansa.
Ani Sec. Roque na sa ganitong paraan, hindi na kakailanganing umangkat ang bansa ng maraming langis sa mahal na presyo.
Sa pagtaya ng mga kinauukulan, aabot pa naman hanggang 2032 ang langis sa Malampaya pero matatapos na ang kontrata nito ng pagkuha ng langis sa 2022.
Kaya dapat aniyang isantabi muna ang anumang hindi pagkakaunawaan o hidwaan sa ibang bansa at sa halip ay magkasundo para sa proyektong ito./Kris Jose
Explanation:
sana makatulong
pabrainliest please