Alagaan Ang Kapaligiran
Mga biyaya ng Panginoon ay magaganda
Pinakamahalaga sa lahat ay ang kapaligiran
Ako’y may sasabihin bilang isang makata
Para sa hinaharap, dapat ito’y alagaan.
Ang simoy ng hangin at mababangong
bulaklak kung titignan, tayo’y siguradong
magagalak ang matatayog na puno at luntiang
halaman matuturing natin na Likas Na Yaman.
Dahil sa kalat at polusyon, ito’y
nasisira ang mga daan ay napupuno ng
basura. Ano na ang mangyayari sa
kinabukasan? Paano maayos ang ganitong
kalagayan?
Dapat nating linisin ang kapaligiran
Para maligtas sa panganib ang Inang Bayan
Sa atin, nagsilbi siyang isang kaibigan
Na sinasabing mahirap tayong paalalahanan.
Gumawa na tayo ng paraan, kaibigan!
Magkaisa upang isalba ang ating tahanan
Tayo’y magpakita ng disiplina at pagkakaisa
Bago mahuli ang lahat at ito’y tuluyang masira.