👤

IV. ANO ANG NATUTUNAN: A. Buuin ang pangungusap sa ibaba sa pamamagitan ng tamang sagot. Titik lamang ang isulat.


1. Mapakikita ko ang pagpapahalaga ko sa aking buhay at sa buhay ng iba sa pamamagitan ng

A. Pagsunod sa mga alituntunin sa panahon ng mga sakuna at kalamidad at sa pagtulong sa kapwa

B. Pagtupad sa mga nais gawin at nasa isip na nararapat gawin


2. Simula ngayon mas magiging maingat na ako sa pamamagitan ng

A. Paniniwala sa sinasabi ng iba

B. Pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-iingat sa sunog at paalaala kung may kalamidad.

3. Bigyang babala ang mga tao sa nangyayari sa kapaligiran upang

A. maging alerto at handa sila anumang oras

B. bumait sila at kakaibiganin ka

4. Ang pagiging alerto at mapagmasid sa panahon ng sakuna at kalamidad ay mahalaga dahil

A. Ito ay nakatutulong upang maging ligtas ka sa anumang panganib o kapahamakan

B. Ito ay nakatutulong upang maging matapang ka at mabait sa iba.

5. Dapat bigyang - pansin ang lahat ng babalang pangkaligtasan sapagkat

A. Ito ang nakabubuti para sa lahat

B.ito ay inuustos sa atin


6. Tamang disiplina ang dapat pairalin ng mga tao nang sa ganoon ay

A. Sasaya at lulusog ang pamilya

B. Mapanatiling ligtas at maayos ang lahat

7. Upang matugunan ng pamahalaan ang mga programang pangkaligtasan dapat na

A. Susundin ng bawat mamamayan ang batas pangkaligtasan

B. Gawin ng lahat na mamamayan ang gusto nila upang maligtas ang sarili

8. Ang mga opisyales ng barangay ay kaagapay ng mga tao sa pamayanan dahil

A. Sila ang may kakayahan na maipatupad ang mga batas sa bawat mamamayan

B. Bawat isa sa kanila ay mayaman sila ang​