1. Ang katumbas ng salitang kanto na "lespu” sa wikang Filipino ay a. pulis b. alis c. galis d. walis
2. Ito ang antas ng wika na sumusunod sa tamang estruktura na karaniwang ginagamit sa mga gaya ng talakayang pangklase, misa o pagsamba at iba pa.
a.impormal b. pormal c. maanyo d. pamantayan
3. Ang mga sumusunod na salita ay nabibilang sa uri ng paghahambing na magkatulad maliban sa
a. sintangkad b. magkasingganda c. kahawig d. mas malaki
4. Ang mga sumusunod ay ang format ng programang panradyo maliban sa
a. Contemporary hit radio b. Easy Listening c. Alternative d. Hip Hop
5. Kung ikaw ay magiging isang mamamahayag sa radyo, ano ang gagawin mo upang mapanatiling maayos ang iyong paglilingkod?
a. magsasabi ng katotohanan sa mga nakikinig b. magsisiwalat ng mga maling impormasyon c. magpalaganap ng fake news d. wala sa nabanggit
6. Ikaw ay naatasang sumulat ng iskrip sa isang programa sa radyo na napatutungkol sa mga negatibo at positibong epekto ng social media sa tao. Ano ang pinakauna mong gagawin upang maging makabuluhan ang iyong isusulat?
a. hindi nila iniwan ang isa't-isa sa gitna ng digmaan b. namatay sila nang magkasama c. magkayakap sila habang nagkakaroon ng digmaan d. lahat ng nabanggit
7. Bakit naging bahagi na ng buhay ng mga Pilipino ang pakikinig ng radyo?
a. dahil ito ang unang libangan ng Pilipino b. dahil araw-araw silang nakikinig ng mga programa sa radyo c. dahil ito ang pinakaunang midyum ng pagpapalaganap ng balita d. lahat ng nabanggit
8. Sa iyong palagay, nakatulong ba sa isla ng Boracay ang pansamantalang pagpapasara dito?
a. Oo, dahil nakatulong ito upang maging malinis muli ang isla. b. Oo, dahil naging masaya muli ang isla. C. Hindi, dahil marami ang nawalan ng trabaho. d. Hindi, dahil napabayaan ang isla.
9. Sa iyong pananaw, sa paanong paraan nakakatulong ang paggamit ng temang pag-ibig upang lalong tangkilikin ang isang produktong ibinebenta sa mga patalastas?
a. nakatutulong ito upang lalong makilala ang produkto b. upang tumaas ang benta ng kompanya sa isang produkto c. upang mahikayat ang mga mamimili na bumili d. lahat ng nabanggit
10. Paano mo maipapakita sa iyong iniibig ang iyong tunay na pagmamahal?
a.sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras at atensyon b. sa pamamagitan ng paggalang sa kanyang mga desisyon c. sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga regalo d. lahat ng nabanggit