👤

Story:
Dinala sa Municipal Health Center si Chloe kagabi dahil sa mataas na lagnat. Tumitirik ang kaniyang mga mata at nanginginig siya dahil sa napakataas na temperatura. Agad siyang nilapatan ng pangunahing lunas ng mga Health Officers, Mabilis ang pagkilos ng bawat isa kaya naman unti-unting humupa ang panginginig ng katawan at pagtirik ng mga mata niya.

Kinuhanan agad siya ng dugo at pinaihi para masuri. Lumabas ang resulta kinabukasan at napag-alamang mayroon siyang Urinary Tract Infection. Ayon sa urologist na si Dr. Juliano Panganiban ng Pinoy MD, ang Urinary Tract Infection o UTI ay ang pagkakaroon ng impeksyon sa urinary system o daluyan ng ihi. Kabilang dito ang bladder o pantog kung saan naiipon ang ihi at urethra kung saan naman ito dumadaan palabas ng katawan.

Ngayon nga ay mayroon nang mga maliliit na bato na namumuo sa kaniyang kidney. Dahil dito, kailangan ni Chloe ng pitong araw na gamutan. Pinayuhan din siya na umiwas sa mga tsitsirya at softdrinks, ganoon din ang mga pagkaing matataba.

Masusing pagbabantay kay Chloe ang gagawin ng kaniyang mga magulang upang matiyak ang kaniyang mabilis na paggaling.

Tanong:
Panuto: Pagsunod-sunorin ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan. Lagyan ng bilang 1-10. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

__-Tumirik ang mga mata at nanginig ang buong katawan ni Chloe kagabi dahil sa mataas na temperatura.

__-Agad siyang dinala sa Municipal Health Center.

__ - Mabilis siyang binigyan ng pangunahing lunas ng mga Health Officers.

__-Kinuhanan agad siya ng dugo at pinaihi para sa pagsusuri.

__-Mayroon siyang Urinary Tract Infection at mga batong namumuo sa kaniyang Kidney.

__-Kailangan ni Chloe ng pitong araw na gamutan.

__-Ipinagbawal sa kaniya ang tsitsirya.

__-Bawal sa kaniya ang pag-inom ng softdrinks.

__-Hindi rin maganda para sa kaniya ang mga matatabang pagkain.

__-Babantayan si Chloe ng kaniyang mga magulang para masigurado ang kaniyang mabilis na paggaling. ​​