Sagot :
PANAHON NG HAPONES
Ano ang sinapit ng mga sundalong Pilipino at Amerikanong sumuko sa Bataan?
↬ Sinapit ng mga sundalong Pilipino at Amerikano ang hirap at takot noong sumuko sila sa Bataan. Noong sumuko ang mga sundalo pinag-martsa naman sila at tinatawag itong "Death March o Martsang Kamatayan". Dito nakaranas ang mga sundalong Pilipino at Amerikano ang gutom at pagod dahil malayo ang nilakad nila.
Karagdagang Impormasyon:
Fall of Bataan
- Noong Abril 9, 1942 sumuko ang mga sundalong Pilipino at Amerikano dahil hindi na nila kaya ang pag-atake ng mga Hapones. Nung nahuli sila pinarusahan sila ng Death March.
Death March
- Sa Filipino tinatawag itong "Martsang Kamatayan". Kung saan sapilitang pinaglakad ang mga sundalong Pilipino mula Mariveles Bataan hanggang San Fernando Pampanga, inabot sila ng mahigit na 100 km.