Kilala si Apolinario de la Cruz sa bansag na “Hermano Pule” bilang pinunò at tagapagtatag ng Cofradia de San José.
Pinamununan niya ang isang pag-aaklas laban sa mga Espanyol na nakabatay sa kalayaang panrelihiyon at pagkakapantay-pantay ng mga Espanyol at Indio sa kaparian.
Nagbalik siya sa Lucban noong 1832 at itinatag ang Cofradia de San José, isang kapatirang binubuo lamang ng mga Indio.