Sagot :
Pambubully
Marami ang nakakaranas nito, lalo na sa mga estudyante na pumapasok sa paaralan. Nagdudulot ito ng lungkot, trauma, pagkabalisa at pagkatakot sa mga nakakaranas na mabully. Mahirap ang ganitong kalagayan sapagkat pinanghihinaan ng loob ang isa at wala ng gana na gumawa ng mga bagay-bagay. Kaya ang pambubully ay dapat makontrol at iwasan ito.
Ang ginawa o sinabi ni lola para mabigyang solusyon ang problema ni Daniel hinggil sa mga nambubully:
Nagbangon si lola ng mga tanong para makatulong kay Daniel na mag-isip kung ano ba ang tama niyang gawin at gumawa ng mga nararapat na pagkilos para sa kaniya. Hinayaan ni lola na siya ang magdesisyon base sa sagot sa mga tanong niya para maunawaan ni Daniel ang sitwasyon kung ano ang kakaharapin kapag ginawi niya ang isang pagkilos. Hindi siya pinagalitan, bagkus ay pinakinggan ni lola ang saloobin niya para maging malawak ang kaisipan at ipagpatuloy parin ang paggawa ng module sa kabila na nakaranas siya ng pambubully.
Makikita natin sa sitwasyon na marahil tayo ay makaranas rin ng pambubully, kahit nasaan man tayo. Hindi tayo ligtas sa ganitong uri ng tao sapagkat nariyan lang sila sa tabi. Pero kung mapaharap man tayo sa magkatulad na sitwasyon, mahalaga na magtulong tayo sa iba para mapanatag tayo at mapayapa ang kaisipan natin. Huwag nating sarilinin ang bagay na ito dahil hindi ito nakakabuti para sa atin. Kaya kung makaranas man tayo na mabully, gumawa ng kinakailangang hakbang para makontrol ito at makapag-isip ng mga paraan kung paano ito mapagtatagumpayan. Tayo mismo ang kikilos para mabigyang solusyon ang mga bagay may kinalaman sa pambubully sa atin.
Napakahirap sa kalooban natin kung tayo ay nabubully. Nagbibigay ito ng negatibong kaisipan at damdamin sa isa, lalo na kung ito ay magtatagal pa. Laging tandaan na humingi ng tulong kung hindi na natin kaya ito. Huwag mahihiyang gawin ito o kaya magsumbong kung kinakailangan na talaga. Para rin ito sa sarili mo, upang maligtas.
Naisin mo pa ba makapagbasa? Bumisita dito sa mga link na ito:
Paano nga ba natin maiiwasan ang pambubully: brainly.ph/question/349393
May kaugnay ba na literatura para sa salitang pambubully, tingnan ito: brainly.ph/question/2159692
Ano nga ba ang ibig sabihin ng pambubully: brainly.ph/question/110142
#BrainlyEveryday