Sagot :
Answer :
Panuto: Iguhit ang puso ( ꨄ︎ ) kung ang pahayag ay nagpapakita ng masusing pagpapasiya at matalinong pagsunod sa mga alituntuning pangkaligtasan. Igunit naman ang hugis tatsulok ( ∆ ) kung hindi.
ꨄ︎ 1. Sumunod sa ipinag-uutos ng mga magulang upang hindi mapahamak sa panahon ng sakuna.
- Alam natin na ang pagsunod sa utos ng ating mga magulang ay napakahalaga, kaya naman kung uutusan nila tayo dapat natin silang sundin.
Halimbawa kapag may sakuna :
➪ Inutusan nila tayo na maghanda sa darating na bagyo.
➪ Inutusan nila tayo na mag impake ng mga gamit dahil babahain ang inyong lugar.
- Kung atin silang susundin, hindi tayo mapapahamak sa panahon ng sakuna.
ꨄ︎ 2. Isumbong sa mga awtoridad ang mga nagtitinda ng mga malalaswang panoorin at babasahin.
- Kailangan nating isumbong sa mga awtoridad ang mga nagtitinda ng mga klase ng ganitong panoorin at babasahin upang hindi na ito kumalat o hindi ito mabasa o mapanood ng ating mga kabataan.
ꨄ︎ 3. Isipin lagi ang magiging epekto ng gagawing pagpapasiya
- Kung tayo man ay gagawa ng pagpapasya kailangan nating isaalang-alang ang mga magiging epekto ng gagawin nating pagpapasya dahil maaaring may maapektuhan ng mga gagawin nating pagpapasya.
ꨄ︎ 4. Hingin ang gabay ng mga nakakatanda sa pagbubukas ng mga website upang maiwasan ang mga ipinagbabawal na palabas.
- Alam naman nating mga kabataan na bawal ang mga ganitong uri ng mga palabas.
- Kaya, mas nakabubuti kung hihingi tayo ng gabay ng mga nakakatanda sa pagbubukas ng mga website upang maiwasan ang mga ipinagbabawal na palabas.
∆ 5. Makipagsiksikan sa maraming tao sakaling magkaroon ng hindi inaasahang sunog.
- Kung sakali mang magkakaroon ng hindi inaasahang sunog, hindi tayo dapat nakikipag-siksikan sa maraming tao.
#CarryOnLearning
- Azalliyu ❦︎