Pananalig sa Diyos Mabaitan Pagkamatapat Kawanggawa o Charity Pagkamaalalahanin Pagmamahal sa Pamilya Pagmamahal o Pag-aaruga sa Anak Libo-libong tao ang nasawi nang manalasa ang bagyong Yolanda. Maraming bahay at gusali ang gumuho. Sa kabila nito, hindi nangamba ang mga Pilipino na sila ay pababayaan ng Diyos. 1 Ang awit na "Anak ni Freddie Aguilar na tumutukoy sa hindi mapapantayang pagmamahal ng mga magulang sa anak ay naisalin sa 26 na wika, narinig sa 56 na bansa at bumenta ng 30 milyong kopya Ano ang ipinahihiwatig ng awit na ito? Para sa mga Pilipino, hindi kinakailangan maging mayaman upang makatulong sa kapuwa. Sa mga panahon ng kalamidad at nananawagan ang mga estasyon ng radyo o telebisyon, mapapansin mong bumabaha ng tulong mula sa ating mga kababayan.