👤

A. Pantuto: Basahin ang argumento sa ibaba hinggil sa mga napapanahong paksa/ isyu. Sagutin ang mga tanong tungkol dito. Paksa: Pagpapatupad ng Programang K-12 bilang sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Pabor sa K-12 Dapat lamang na ipatupad ang programang K-12 dahil ang Pilipinas na lang ang tanging bansa sa Asya na 10 taon lamang ang ginugugol sa pag-aaral sa ilalim ng "basic education." Magkakaroon ng pagkakataon ang mga mahihirap na mag-aaral na magdesisyon kung magpapatuloy sa kolehiyo o magsisimulang magtrabaho matapos sumailalim sa K-12 Basic Education Program. Magagawaran pa rin sila ng sertipiko ng kuwalipikasyon upang makahanap ng trabaho na kikilalanin maging sa ibang bansa. Hindi Pabor sa K-12 Sa kabila ng pagiging praktikal ng programang K-12, hindi pa rin ito dapat ipatupad dahil kulang ang pamahalaan sa paghahanda. Walang ginanap na pag-aaral kung magiging mabisa ba ito para sa mga Pilipinong mag-aaral; basta-basta lamang itong ipinatupad kung kaya kulang sa pagsasanay ang mga guro para sa idadagdag na dalawang taon sa pag- aaral, na patuloy na magdudulot ng hindi kaaya-ayang kalagayan sa mga mag-aaral habang nag-aaral, at ang dalawang taon kung saan magkakaroon ng pagbabago para sa pagpasok ng Grade 11 at 12 ay magdudulot ng kawalan o kakulangan ng mga mag-eenrol sa mga pamantasan na magtutulak sa mga ito na magtanggal ng mga empleyado lalo na ang mga guro at kawani. Tanong, MacBook Pro​

A Pantuto Basahin Ang Argumento Sa Ibaba Hinggil Sa Mga Napapanahong Paksa Isyu Sagutin Ang Mga Tanong Tungkol Dito Paksa Pagpapatupad Ng Programang K12 Bilang class=