Answer:
Galit
•Gaano kadalas kayo “biglaang nagalit” habang nag-aalaga? O naramdaman na tila malapit na kayo sa sukdulan? Ang galit at pagkakayamot ay isang normal na parte lamang kapag kasama palagi ang isang taong nangangailangan tuloy-tuloy na tulong at iyong maaaring hindi rin tatanggapin ang tulong. Ang pag-aalaga sa isang tao, lalo na iyong may dementia, ay maaaring mas mahirap, dahil ang inaalagaang tao ay maaaring hindi makatuwiran at lumalaban. Hindi parating posible na magkaroon ng kumpletong kontrol sa inyong mga damdamin. Ang galit ay “basta na lang lumalabas” minsan.