Sagot :
Answer:
Bunso, Kung ano man ang problema mo ilahad. Mo Lang sa akin pra matulungan kita. Hinde ang paglayas ang solusyon sa problema mo bagkus Mas lalong lalala pa. Kaya Sana pagkatiwalaan mo ako bilang nakakatandang kapatid mo na sabihan mo ng problema mo.
Mahal kong kapatid,
Mahal kong kapatid, una sa lahat, nais kong ipabatid ang wagas naming pagmamahal sa iyo. Makabagbag damdamin ang iyong paglisan. Hindi man nabigay ang iyong hiling, tandaan mo na ang nais ng ilaw ng tahanan ay iyong ikakabuti. Pag-isipan mong mabuti ang iyong desisyon kung tuluyan ka nang lilisan. Ano man ang mangyari pwede ka pa ring umuwi sa amin at masaya ka naming sasalubungin. Papakinggan namin ang iyong dinaramdam at hinaing. Idaan natin sa masinsinang usapan. Ikurus mo sa iyong noo na mahalaga ka sa amin lalo na ang iyong kaligtasan. Mahal na mahal ka namin at mag-iingat ka palagi.
Matalinhagang salita na ginamit:
ilaw ng tahanan - ina
Makabagbag-damdamin - nakakalungkot
ikurus sa noo - tandaan