👤

Pamamaraan: 1. Bigyan ng disenyo ang lumang bote ng naayon sa iyong kagustuhan. Maaaring talian ng ribbon o dikitan ng mga lumang butones, beads o glitters. 2. Bawat araw ay mag-isip ka ng tatlong bagay o tao na iyong ipinagpapasalamat. Maaaring ito ay simpleng bagay tulad ng pasalubong ng iyong nanay o kaya ay pagmamahal na tinatanggap mula sa kasapi ng pamilya. Isulat ang mga ito sa makulay na papel at isilid sa ginawang gratitude jar. Gawin ito araw-araw hanggang sa mapuno mo ang iyong gratitude jar. 3. Magpasa ng apat na halimbawa nang iyong ginawang mensahe sa iyong gratitude jar at idikit ang mga ito sa isang bond paper. Sa katagalan, mapapansin mong marami kang rason upang magpasalamat. Makakatulong ito upang pahalagahan at matutong makuntento sa mga bagay na mayroon ka.