👤

1. Ang breast ironing o breast flattening ay isang uri ng karahasan laban sa mga batang babae sa Cameroon Bukod sa sampung rehiyon ng Cameroon, isinasagawa rin ang nakakapinsalang kasanayan ng pagyupi ng suso sa sumusunod na bansa maliban sa A. Benin C. Zimbabwe B. Kenya D. Uganda​

Sagot :

Answer:

D. Uganda

Explanation :

Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang

Cameroon sa kontinente ng Africa. Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib

ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na

pinainit sa apoy. May pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga

batang babaeng may edad siyam ay apektado nito. Ipinapaliwanag ng ina sa anak

na ang pagsagsagawa nito ay normal lamang at ang mga dahilan nito ay upang:

maiwasan ang (1) maagang pagbubuntis ng anak; (2) paghinto sa pag-aaral; at (3)

pagkagahasa.

Bukod sa sampung rehiyon ng Cameroon, isinasagawa rin ang breast

ironing o breast flattening sa mga bansang Benin, Chad, Ivory Coast, GuineaBissau, Guinea-Conakry, Kenya, Togo, at Zimbabwe.