👤

Panuto:Basahin at unawain ang ang mga sumusunod na tanong sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang sagot bago ang bilang

1. Uri ng tula kung saan nabibilang ang elehiya.
a. pandamdamin
b. pasalaysay
c. tulang dula
d. patnigan

2. Ito ay mula sa salitang Griyego na elogos na ang ibig sabihin ay tulang binibigkas upang ipagluksa ang mga yumao
a. dalit
b. himno
c. awit
d. elehiya

3. Ito ay isang awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o pasasalamat, karaniwang para sa Diyos
a. dalit
b. pastoral
c. kurido
d. elehiya

Para sa bilang 4-5 Matamis na Virgeng pinaghahandugan,cami nangangaco naman pong mag-alay nang isang guirnalda bawat isang arawat ang magdudulot yaring murang camay. (Ang mga Dalit kay Maria)

4. Sino ang pinag-aalayan ng dalit?
a. Birheng Maria
b. Tres Maria
c. Maya
d. ina

5. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa saknong?
a. tela
b. dasal
c. korona
d. palamuti

Para sa bilang 6-8 Itong bulaclac na alayng aming pagsintang tunaypalitan mo Virgeng mahalnang toua sa calangitan.(Ang mga Dalit kay Maria)

6. Ang bawat taludtod ay binubuo nang saknong.
a. aapatin
b. wawaluhin
c. lalabindalawahin
d. Malaya

7. Ito ay simbolo ng pagpupuri kay Birheng Maria.
a. pag-awit
b. pag-aalay ng bulaklak
c. pagsasayaw
d. pagpapatunay

8. Ang saknong sa itaas ay nangangahulugan ng
a. tunay na pag-ibig para kay Birheng Maria
b. ang pagkakapili kay Maria ng Dios
c. pag-aalay ng bulaklak
d. pag-ibig

9. Isang uri ng pagpapahayag ng saloobin o emosyon sa paraang papataas ang antas nito.
a. pagpapaliwanag
b. pangangatuwiran
c. pagpapasidhi ng damdamin
d. paglalarawan ng damdamin

10. Aling bahagi ng dalit ang nagpapakita na ang Birheng Maria ang pinili ng Dios na katas-taasan upang magsilang kay Hesus?
a. mula sa ikalawang himno
b. mula sa dalit
c. mula sa unang himno
d. coro​