Sagot :
Ang Rebolusyong Siyentipiko
Natuklasan ang agham hindi lamang sa panahon ng Rebolusyong Siyentipiko. Sa halip, malaon na itong ginagamit ng mga Greek bilang scientia na
nangangahulugang “kaalaman”. Subalit wala pang konsepto ng agham bilang isang disiplina at hindi pa nila tinatawag ang sarili bilang siyentista. Noong ika-15 siglo, ang pag-unawa ng mga Europeo tungkol sa mundo at sansinukob ay batay sa aral ng mga Kristiyano at pilosopiya ni Aristotle. Masasabing napakaliit na grupo lamang ang nagtatanong sa tradisyunal na
kahiwagaan ng sansinukob. Ang ika-16 at ika-17 siglo ang hudyat sa pagpasok ng
Rebolusyong Siyentipiko. Ito ang simula ng panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa sansinukob.
Ang bagong ideyang siyentipiko ay instrumento sa pagkakaroon ng panibagong pananaw sa kaalaman at paniniwala ng mga Europeo. Si Francis Bacon ang siyentistang nagbuo ng makabagong pamamaraan sa pag-iimbestiga sa
larangan ng siyensiya o “scientific method”. Ang dating impluwensiya ng Simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng mga tao ay nabawasan at humina dahil sa mga paglalathala ng mga bagong tuklas na kaalaman na pinatunayan ng “bagong siyensiya”. Naging tulong ang panahon ng katuwiran (age of reason) upang magkaroon ng bagong liwanag ang mga tradisyunal na ideya at bigyan ng bagong
paglalarawan at redepinisyon ng lipunan. Ang Renaissance, Repormasyon at mga eksplorasyon ng mga Europeong manlalakbay ang naging mga salik sa pag-usbong ng Rebolusyong Siyentipiko. Ang mga sumusunod ang mga naging mahahalagang katauhan at kanilang mga
Ang mga sumusunod ang mga naging mahahalagang katauhan at kanilang mga kontribusyon sa panahong ito:
Nicholas Copernicus – isang astronomer na mula sa Poland na nakilala sa kanyang heliocentric view sa kalawakan o paniniwalang hindi daigdig ang sentro ng kalawakan kundi ang araw at ang daigdig ay umiikot sa paligid nito.
Galileo Galilei – nakaimbento ng teleskopyo na ginamit niya sa pag-aaral ng kalawakan.
Tycho Brahe – isang Danish na siyentesta, pinatunayan niyang ang kometa ay hindi lamang penomenong atmosperiko, bagkus, ang kometa ay representasyon ay ng pagbabago sa kalawakan.
Johannes Kepler – isang German na naglathala ng akda ni Brahe, natuklasan
niyang ang paggalaw isang planeta sa orbit ay bumibilis habang lumalapit ito sa araw.
Isaac Newton – isang English Mathematician, natuklasan niya ang law of gravity bilang paliwanag sa paggalaw ng planeta.
Rene Descartes – isang pilosopo at mathematician na French. Ipinaliwanag niya
ang mga suliranin sa agham at pilosopiya gamit ang pamamaraang matematikal. Tanyag sa kanyang linyang, “Cogito, ergo sum” (“I think, therefore I am.”). Naniniwala siya na ang katuwiran ang susi sa pagkakamit ng kaalaman.
Ang Panahon ng Enlightenment
Isa sa bunga ng pamamaraang makaagham ang epekto ng rebolusyon sa iba’t ibang aspeto ng buhay. Marami ang nagmungkahi na gamitin ang
pamamaraan upang mapaunlad ang buhay ng tao sa larangan ng pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon, at maging sa edukasyon. Tinawag itong Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment). Nagsimula ito sa batayang kaisipang iminungkahi ng mga pilosopo. Bagama’t ang Enlightenment ay tumutukoy sa pilosopiyang
umunlad sa Europe noong ika-18 siglo, maaari ring sabihing ito ay isang kilusang intelektuwal. Ang Enlightenment ay binubuo ng mga iskolar na nagtangkang iahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katuwiran at
pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala noong Middle Ages.
Sa Panahon ng Enlightenment, nagtangka ang mga philosopher na maipaliwanag ang kalikasan nito. Mula rito, hangad nilang makabuo ng mga ideyal na pamamaraan sa pamumuno, edukasyon, demokrasya, at iba pang suliraning
panlipunan.
Ito ang mga sumusunod na pilosopo:
Thomas Hobbes – sinabi niyang ang tao ay likas na makasarili kung kaya palagi niyang katunggali ang kapwa tao.
Jean Jacques Rosseau at John Locke- kapwa naniniwala na ang pamahalaan ay naitatag mula sa pahintulot ng mga mamamayan.
Mary Wollstonecraft – ang tumalakay sa karapatan ng kababaihan sa kanyang “A
Vindication of the Rights of Women (1792).” Sa akdang ito, sinabi niyang dapat magkaroon ang kababaihan ng karapatang bumoto at magkaroon ng posisyon sa pamahalaan.
Makikita ang pamana ng Enlightenment sa sining, sa katauhan halimbawa ng mga kompositor ng Panahong Klasikal tulad nina Beethoven, Mozart, at Haydn. Ang kabuluhan ng Rebolusyong Siyentipiko at Enlightenment ay makikita sa pagpapalagay ng tao ng kanyang kapalaran sa kanyang mga kamay sa pamamagitan ng paggamit ng katuwiran.