Gawain 1 : Tama o Mali Panuto : Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tama at MALI kung ito ay mali. Ilagay ang sagot sa patlang. ________1. Sa lipunang Maya, katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian sa pamamahala. ________2. Ang halach uinic ay nangangahulugang “tunay na lalaki”. ________3. Kung ang mga Maya ay nagtatag ng kanilang Kabihasnan sa timog na bahagi ng Mesoamerica, ang mga Aztec naman ay naging makapangyarihan sa gitnang bahagi nito. ________4. Ang Texcoco ay nasa sentro ng Mexico Valley. Nang lumaon, ang lungsod ay naging mahalagang sentrong pangkalakalan. ________5. Ang Ghana ang ikalawang estadong naitatag sa Kanlurang Africa. ________6. Ang pag-akyat ng Mali sa kapangyarihan ay sinimulan ni Sundiata Keita. ________7. . Ang katagang mana ay nangangahulugang “bisa” o “lakas.”Sa mga sinaunang Polynesian, ang mana ay maaaring nasa gusali, bato, bangka, at iba pang bagay.Micronesia ________8. Ang Polynesia ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Pacific Ocean na nasa silangan ng Melanasia at Micronesia. ________9. Sa pamamagitan ng Gao at ng Timbuktu, nakipagkalakalan ang Songhai sa Algeria. Dahil dito, nakapagtatag ng ugnayan ang Songhai sa iba pang bahagi ng Imperyong Islam. ________10. Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian.