D. Pagtataya: Lagyang tsek (/) kung TAMA ang pangungusap at MALI (%) kung hindi wasto ang tuntunin sa paghahanda ng pagkain. 1. May layong isang pulgada mula sa gilid ng mea ang mga kubyertos. -2. Higit na maganda ang mesa kung may centrepiece na bulaklak o prutas at huli itong inilalagay sa pag-aayos ng mesa. 3. Maaaring magsanay ng ibat ibang ayos ng serbilyeta o table napkin at ilagay sa i babaw ng plato. 4. Ang tinidor ay nasa kaliwa ng plato. 5. Punuin ng tubig ang baso. 6. Ang kutsara at nasa kanang bahagi at katabi ng kutsilyo. 7. Nakaharap sa plato ang talim ng kutsilyo. 8. Iwasang hawakan ang loob ng plato at dahan-dahang ilapag sa mesa na nakatihaya at may layong isang pulgada mula sa gilid ng mesa 9. Ang table cloth at nakagaganda sa pag-aayos ng mesa. 10. Ang kutsarita ay katabi ng tinidor.