👤

Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng bawat pahayag. Bilugan ang salita o mga salitang nagpapahayag ng kritikal na pagsusuri.

1. Ang ganda ng mga props na ginamit parang makatotohanan.
2. Litaw na litaw ang husay ng babaeng artista na gumanap bilang Ms. Reyes.
3. Maganda sana ang palabas kaso nagkaroon ng teknikal na problema sa entablado.
4. Napakahusay ng direktor nadala niya ako sa ibang dimensyon.
5. Hindi tuwiran ang naratibo, walang problemang naresolba, walang masinop na pagsisinsin ng mga pangyayari para sa wakas.
6. Kahanga-hanga ang ginamit ng background music talagang nakapangingilabot.
7. Ang ganda ng dula dahil naipakita nito ang kaugnayan sa mga totoong nangyayari sa bansa.
8. Hindi matatawaran ang husay ng lahat ng mga aktor at aktres sa dulang “Aquarium na Walang Tubig”.
9. Ang ganda ng daloy ng istorya kapana-panabik.
10.Medyo magulo ang istorya dahil hindi naipaliwanag ang kaugnay ng kuwintas sa buhay ng pangunahing tauhan. ​


Sagot :

Answer:

  1. parang makatotohanan
  2. litaw na litaw ang husay
  3. kaso nagkaroon ng teknikal na problema
  4. nadala niya ako
  5. Hindi tuwiran ang naratibo
  6. Kahanga-hanga
  7. dahil naipakita nito ang kaugnayan
  8. Hindi matatawaran ang husay
  9. kapana-panabik.
  10. hindi naipaliwanag ang kaugnay ng kuwintas sa buhay