Sagot :
Simula sa muling pagsakop ng tahanang lungsod na Riyadh ng kanyang pamilya noong 1902, pinag-isa ni Ibn Saud ang kanyang pagtaban o kontrol sa Nejd noong 1922, sinakop niya ang Hejaz noong 1925. Naitatag ang nasyon at pinag-isa bilang Saudi Arabia noong 1932. Sa kalaunang panahon ng kanyang paghahari at pamumuno, natuklasan ang petrolyo sa Saudi Arabia noong 1938, at nakita ng kanyang pamahalaan ang simula ng malakihang pakinabang ng likas na yamang ito pagkalipas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.